jurisprudence[ G.R. Blg. 269811. April 07, 2026 ] 2026-04-07

[ G.R. Blg. 269811. April 07, 2026 ]

[ G.R. Blg. 269811. April 07, 2026 ]

IKATLONG DIBISYON

[ G.R. Blg. 269811. April 07, 2026 ]

SAMBAYANANG PILIPINAS, NAGSASAKDAL, LABAN KAY GGG269811 (CA-G.R CR-HC BLG. 16711 [DATING KASONG KRIMINAL BLG. SC-21639 HANGGANG 21642]),* NASASAKDAL.

D E S I S Y O N

SINGH, M.:

Ito ay apela ng nasasakdal na si GGG269811 mula sa Desisyon,[1] na may petsang ika-29 ng Hunyo 2023, ng Hukuman ng Pag-aapela (CA) sa kasong CA-G.R. CR-HC Blg. 16711. Pinagtibay ng CA and Desisyon,[2] na may petsang ika-7 ng Enero 2022, ng X, Panrehiyong Hukuman ng Paglilitis, X Laguna (RTC), kung saan hinatulang nagkasala nang higit (o lampas) sa makatwirang pagdududa si GGG269811 sa tatlong sakdal ng Statutory Rape o panggagahasa ng batang wala pang 12 taong gulang (ngayon ay 16 taong gulang sa ilalim ng Batas Republika Blg. 11648),[3] ayon sa Artikulo 266-A(1) ng Revised Penal Code, at isang sakdal ng Sexual Assault o panghahalay base sa Artikulo 266-A(2) ng Revised Penal Code, kaugnay ng Seksyon 5(b) ng Batas Republika Blg. 7610.[4]

Salaysay ng mga Pangyayari

Isinampa ng prosekusyon sa RTC ang tatlong sakdal ng Statutory Rape at isang sakdal ng Sexual Assault laban kay GGG269811. Mababasa sa mga Information ang mga sumusunod na sakdal:

Kasong Kriminal Blg. SC-21639 [Statutory Rape]

That sometime in the year 2014, in the X [P]rovince of Laguna, Philippines and within the jurisdiction of this Honorable Court, the above-named accused, being the common-law husband of private complainant's paternal grandmother, and taking advantage of the tender age of private complainant X and his moral ascendancy over the latter, with lewd design, did then and there willfully, unlawfully[,] and feloniously have carnal knowledge with said X, a minor, nine [ ] years old, against her will and without her consent, to her damage and prejudice.

CONTRARY TO LAW.[5]

[Na, sa taong 2014, sa X Probinsya ng Laguna, Pilipinas, at sa loob ng hurisdiksyon ng Kagalang-galang na Hukumang ito, ang pinangalanang akusado, bilang kinakasama ng lola sa ama ng pribadong nagrereklamo, at nagsamantala sa pagiging bata ng pribadong nagrereklamo X, at ng kaniyang pangingibabaw sa aspetong moral dito, na may mahalay na layunin, ginawa noon at doon nang malaya, may paglabag sa batas, at may kriminal na hangarin, ang makipagtalik kay X, pribadong nagrereklamo, isang menor de edad, siyam [ ] na taong gulang, nang labag sa kaniyang kalooban at walang pahintulot, na ikinatamo nito ng pinsala.

LABAG SA BATAS.]

Kasong Kriminal Blg. SC-21640 [Statutory Rape]

That sometime in the year 2015, in the X [P]rovince of Laguna, Philippines and within the jurisdiction of this Honorable Court, the above-named accused, being the common-law husband of private complainant's paternal grandmother, and taking advantage of the tender age of private complainant X and his moral ascendancy over the latter, with lewd design, did then and there willfully, unlawfully[,] and feloniously have carnal knowledge with said X, a minor, [10] years old, against her will and without her consent, to her damage and prejudice.

CONTRARY TO LAW.[6]

[Na, sa taong 2015, sa X Lalawigan ng Laguna, Pilipinas, at sa loob ng hurisdiksyon ng Kagalang-galang na Hukumang ito, ang pinangalanang akusado, bilang kinakasama ng lola sa ama ng pribadong nagrereklamo X, at nagsamantala sa pagiging bata ng pribadong nagrereklamo at ng kaniyang pangingibabaw sa aspetong moral dito, na may mahalay na layunin, ginawa noon at doon nang malaya, may paglabag sa batas, at may kriminal na hangarin, ang makipagtalik kay X, pribadong nagrereklamo, isang menor de edad, [10] taong gulang, nang labag sa kaniyang kalooban at walang pahintulot, na ikinatamo nito ng pinsala.

LABAG SA BATAS.]

Kasong Kriminal Blg. SC-21641 [Statutory Rape]

That sometime in the year 2015, in the X Lalawigan of Laguna, Philippines and within the jurisdiction of this Honorable Court, the above-named accused, being the common-law husband of private complainant's paternal grandmother, and taking advantage of the tender age of private complainant X and his moral ascendancy over the latter, with lewd design, did then and there willfully, unlawfully[,] and feloniously have carnal knowledge with said X, a minor, [10] years old, against her will and without her consent, to her damage and prejudice.

CONTRARY TO LAW.[7]

[Na, sa taong 2015, sa X Lalawigan ng Laguna, Pilipinas, at sa loob ng hurisdiksyon ng Kagalang-galang na Hukumang ito, ang pinangalanang akusado, bilang kinakasama ng lola sa ama ng pribadong nagrereklamo X, at nagsamantala sa pagiging bata ng pribadong nagrereklamo at ng kaniyang pangingibabaw sa aspetong moral dito, na may mahalay na layunin, ginawa noon at doon nang malaya, may paglabag sa batas, at may kriminal na hangarin, ang makipagtalik kay X, pribadong nagrereklamo, isang menor de edad, sampung [10] taong gulang, nang labag sa kaniyang kalooban at walang pahintulot, na ikinatamo nito ng pinsala.

LABAG SA BATAS.]

Kasong Kriminal Blg. SC-21642 [Sexual Assault]

That sometime in the year 2014, in the X [P]rovince of Laguna, Philippines and within the jurisdiction of this Honorable Court, the above-named accused, being the common-law husband of private complainant's paternal grandmother, and taking advantage of the tender age of private complainant X and his moral ascendancy over the latter, with lewd design, did then and there willfully, unlawfully[,] and feloniously insert his finger into the vagina of X, a minor, nine [ ] years old, against her will and without her consent, to her damage and prejudice.

CONTRARY TO LAW.[8]

[Na, sa taong 2014, sa X Lalawigan ng Laguna, Pilipinas, at sa loob ng hurisdiksyon ng Kagalang-galang na Hukumang ito, ang pinangalanang akusado, bilang kinakasama ng lola sa ama ng pribadong nagrereklamo X, at nagsamantala sa pagiging bata ng pribadong nagrereklamo at ng kaniyang pangingibabaw sa aspetong moral dito, na may mahalay na layunin, ginawa noon at doon nang malaya, may paglabag sa batas, at may kriminal na hangarin, ang pagpasok ng kaniyang daliri sa ari ni X, pribadong nagrereklamo, isang menor de edad, siyam [ ] na taong gulang, nang labag sa kaniyang kalooban at walang pahintulot, na ikinatamo nito ng pinsala.

LABAG SA BATAS.]

Sa pagbasa ng sakdal, sumagot si GGG269811 na siya ay walang sala o "not guilty" sa lahat ng kasong isinampa laban sa kaniya.[9] Sumunod na rito ang paglilitis.

Ang panig ng nagsasakdal

Iniharap ng prosekusyon ang mga sumusunod na saksi: (a) AAA269811, ang biktima; (b) FFF269811, ang ama ni AAA269811; (c) AMA269811, tiya ni AAA269811; at (d) HHH269811, isa pang tiya ni AAA269811.[10]

Ang Medico Legal Report na may petsang ikapito ng Hunyo, 2017, patungkol sa pagsusuri kay AAA269811 na ginawa ni Dr. Maria Cheryl C. Obcemea ng Panlalawigang Tanggapan para sa Kalusugan, ay sinang-ayunan ng parehong prosekusyon at depensa na tunay at na ganap itong pinagtibay ng may akda.[11] Nakasaad dito na ang ari ni AAA269811 ay mayroong "thick fibretic edges, 6 o'clock laceration" na nagpapakita na naghilom na ang sugat sa kaniyang ari buhat ng pagpasok dito ng isang matigas na bagay.[12]

Inilahad ni AAA269811 sa kaniyang testimonya na siya ay siyam na taong gulang nang magsimula ang panghahalay sa kaniya ni GGG269811 noong 2014. Ang unang insidente ay nangyari noong lumabas ng kanilang bahay ang lola ni AAA269811 na si PGM269811 para bumili ng pananghalian. Biglang hinila ni GGG269811 si AAA269811 papasok sa isang silid at pilit nitong inihiga ang bata sa kama. Doon isinagawa ni GGG269811 ang makamundo nitong pagnanasa kay AAA269811 nang ipinasok ni GGG269811 ang kaniyang daliri sa ari ni AAA269811 nang paulit-ulit. Ani AAA269811, nakaramdam siya ng matinding pananakit sa pagitan ng kaniyang mga binti. Hindi rin siya nakahingi ng tulong sapagkat tinakpan ni GGG269811 ang kaniyang bibig.[13]

Ilang araw matapos ang insidenteng ito ay nangyari naman ang panggagahasa kay AAA269811. Isang araw, pumasok si GGG269811 sa silid kung saan nakahiga si AAA269811. Plano ni GGG269811 na magkabit umano ng pako na pagsasabitan ng kulambo. Naglalaba noon sa labas ng bahay ang lola ni AAA269811 na si PGM269811. Dito, puwersahang nakipagtalik si GGG269811 kay AAA269811. Tinangka mang magpumiglas ni AAA269811 ay nadaig siya ni GGG269811 na sadyang mas malaki at malakas kaysa sa kaniya. Tumigil lamang si GGG269811 nang marinig nito ang boses ni PGM269811 na noon ay hinahanap ang apo. Bago lumabas mula sa kuwarto, pinagbantaan ni GGG269811 si AAA269811 na magkakagulo silang lahat sa oras na siya ay magsumbong.[14]

Sa sumunod na taon, 2015, ay nasundan ang pilit na pakikipagtalik kay AAA269811, na noon ay 10 taong gulang. Isang araw, matapos siguruhing hindi nakatingin si PGM269811 ay biglang hinalikan ni GGG269811 sa labi si AAA269811 at inihiga sa bangko upang patungan at gahasain sa kanilang sala. Naiyak na lamang si AAA269811 sa takot at kahihiyan hanggang matapos ang panlalapastangan sa kaniya. Nang tawagin si AAA269811 ng kaniyang 1ola para maligo sa poso sa labas ng kanilang bahay, umasta si GGG269811 na tila para bang walang nangyari.

Naulit na naman ang panggagahasa kay AAA269811 nang inabangan ni GGG269811 sa labas ng banyo ng kanilang bahay si AAA269811 pagkagaling niya sa paaralan. Pagkalabas ng banyo ay biglang hinawakan ni GGG269811 ang ari ni AAA269811, tinanggal ang kaniyang damit, at ipinasok ang kaniyang ari sa ari ng bata. Sinubukang itulak ni AAA269811 si GGG269811 ngunit hindi siya nagtagumpay. Matapos nito ay inutusan niya si AAA269811 na manahimik at huwag ipagsabi ang nangyari.[15]

Dalawang taong nanahimik si AAA269811 sa kaniyang mga pinagdaanan sa kamay ni GGG269811. Ang nanay niya ay isang Overseas Filipino Worker kaya at madalas pakiusapan ng nanay niya ang kaniyang kapatid na si AMA269811 na tumayo munang ina ni AAA269811. Isang araw, pinakumpiska ng nanay ni AAA269811 ang cellphone ng anak para hindi raw ito mamihasa sa paggamit. Laking gulat ni AMA269811, na tiyahin ni AAA269811, nang mabasa niya ang sumusunod na mensahe: "cgi sabihin ko sayo tiyuhin ko binastos ako buti hindi ako nabuntis." Hindi agad inamin ni AAA269811 kung sinong tiyuhin ang tinutukoy niya ngunit kalaunan ay umamin rin siya kay AMA269811 na ito ay si GGG269811.[16]

Nang matuklasan ni FFF269811, tatay ni AAA269811, ang ginawa ni GGG269811, hindi siya nag-atubiling kausapin ang kaniyang ina, si PGM269811, ukol dito. Pero pinanigan ni PGM269811, lola ni AAA269811, ang kaniyang kinakasama at pinagbintangang gumagawa lamang ng kuwento si FFF269811 para makamkam ang lupang kinatitirikan ng bahay nila.[17]

Ang panig ng nasasakdal

Tumestigo para sa depensa sina: (a) GGG269811, ang nasasakdal; at (b) PGM269811, ang lola ni AAA269811 na kinakasama ni GGG269811.[18]

Pinasinungalingan ni GGG269811 ang mga paratang laban sa kaniya. Aniya, wala sa kanilang poder si AAA269811 noong mga panahong naganap ang mga nasabing krimen. Sa halip, ang nakababatang kapatid ni AAA269811 ang naiwan sa kanila at kalaunan ay binawi rin. Ayon kay GGG269811, si AAA269811 ay nasa pangangalaga ng tatay niya. Dahil hiwalay na ang mga magulang ni AAA269811, namamalagi umano siya, paminsan-minsan, sa bahay ng kinakasama ng ina sa X, Quezon, na malayo sa kanilang bahay sa Laguna. Sa gayon, sinabi ni GGG269811 na imposibleng mangyari ang mga paratang na krimen laban sa kaniya dahil hindi nagkaroon ng pagkakataong natigil nang matagal sa kanilang bahay si AAA269811. Dagdag pa nito, bilang isang mangingisda at karpintero, abala si GGG269811 sa napakaraming mga gawain na wala na itong panahong lumagi sa kanilang bahay na para bang wala siyang inaatupag na trabaho.[19]

Sinuportahan naman ni PGM269811, ang lola ni AAA269811, ang testimonya ng kinakasama nito na si GGG269811. Nilinaw niyang hindi sa kanila tumira si AAA269811 kung hindi sa isang lola nito. Sabi pa ni PGM269811 na kung harapan umanong ginawa ni GGG269811 ang pambabastos sa kaniyang apo ay siya mismo ang magpapakulong dito. Hinala ni PGM269811 na ang mga kaso laban kay GGG269811 ay isinampa lamang dulot ng matinding galit ng kaniyang anak na si FFF269811, ang ama ni AAA269811, kay GGG269811. Nag-ugat umano ang galit ni FFF269811 sa takot na ipagkakait sa kaniya ang minana nilang lupain mula sa namayapa niyang ama, ang asawa ni PGM269811 .[20]

Ang Hatol ng RTC

Sa Desisyon na may petsang ikapito ng Enero 2022, hinatulan ng RTC si GGG na nagkasala nang higit (o lampas) sa makatwirang pagdududa ng tatlong bilang ng Statutory Rape, at isang bilang ng Sexual Assault sa ilalim ng Artikulo 266-A(2), kaugnay ng Seksyon 5(b) ng Batas Republika Blg. 7610. Narito ang hatol ng RTC:

WHEREFORE, premises considered, accused [GGG269811] is hereby found:

GUILTY beyond reasonable doubt of Statutory Rape under Article 266-A(1)(d) and penalized in Article 266-B of the Revised Penal Code, in Criminal Case Nos. SC-21639 to SC-21641, and is sentenced to suffer, in each case, the penalty of reclusion perpetua. Accused is ordered to pay [AAA269811], in each case, the amounts of [PHP] 75,000.00 as civil indemnity, [PHP] 75,000.00 as moral damages, and [PHP] 75,000.00 as exemplary damages.

GUILTY beyond reasonable doubt of Sexual Assault under paragraph 2, Article 266-A of the Revised Penal Code, in relation to Section 5(b) of Republic Act No. 7610, in Criminal Case No. SC-21642, and is sentenced to suffer the indeterminate penalty of [12] years, [10] months and [21] days of reclusion temporal, as minimum, to [15] years, six [] months and [20] days of reclusion temporal, as maximum. Accused is ordered to pay [AAA269811] the amounts of [PHP] 50,000.00 as civil indemnity, [PHP] 50,000.00 as moral damages, and [PHP] 50,000.00 as exemplary damages.

All awards for damages, including civil indemnity, shall be subject to 6% annual interest from the date of this judgment until they are fully paid.

SO ORDERED.[21]

[DAHIL SA MGA NASABI, matapos isaalang-alang ang mga nasabi, ang akusadong si [GGG269811] ay hinahatulan ng:

NAGKASALA nang higit (o lampas) sa makatwirang pagdududa ng Statutory Rape sa ilalim ng Artikulo 266-A(1)(d) at pinaparusahan ng Artikulo 266-B ng Revised Penal Code, sa Kasong Kriminal Blg. SC-21639 hanggang SC-21641, at hinahatulan, para sa bawat kaso, ng parusang reclusion perpetua. Inaatasan ang akusadong bayaran si [AAA269811], sa bawat kaso, ng mga halagang PHP 75,000.00 bilang sibil na bayad-pinsala, PHP 75,000.00 bilang moral na danyos, at PHP 75,000.00 bilang danyos para huwag tularan.

NAGKASALA nang higit (o lampas) sa makatwirang pagdududa ng Sexual Assault sa ilalim ng ikalawang talata, Artikulo 266-A ng Revised Penal Code, kaugnay ng Seksyon 5(b) ng Republic Act No. 7610, sa Kasong Kriminal Blg. SC-21642, at hinahatulan ng di tiyak na parusang [12] taon, [10] buwan at [21] na araw ng reclusion temporal, bilang pinakamaiksing panahon, hanggang [15] taon, [anim] na buwan at [20] araw ng reclusion temporal, bilang pinakamahabang panahon ng pagkakakulong. Inaatasan ang akusado na bayaran si [AAA269811] ng mga halagang PHP 50,000.00 bilang sibil na bayad-pinsala, PHP 50,000.00 bilang moral na danyos, at PHP 50,000.00 bilang danyos para huwag tularan.

Ang lahat ng ipinataw na danyos, kabilang ang sibil na bayad-pinsala, ay papatawan ng 6% na taunang interes mula sa petsa ng hatol hanggang sa mabayaran nang buo.

ITO AY IPINAG-UUTOS.]

Ayon sa RTC, napatunayan ng prosekusyon ang lahat ng elemento ng krimeng Statutory Rape. Una, si AAA269811 ay 9 at 10 taong gulang nang mangyari ang mga insidente ng panghahalay. Pangalawa, mayroong mataas na katayuang moral o moral ascendency si GGG269811 kay AAA269811 na maaring pumalit sa kondisyon ng puwersa, pagbabanta, o pananakot. Pangatlo, nailahad ni AAA269811 nang husto at malinaw sa kaniyang testimonya ang mga sinapit niya sa kamay ni GGG269811, i.e., naipakita niya na siya ay, sa tatlong pagkakataon, pinilit na makipagtalik ni GGG269811 sa pamamagitan ng pagpasok ng kaniyang ari sa ari ni AAA269811.

Ukol naman sa krimeng Sexual Assault, napatunayan din ng taga-usig na sa isang pagkakataon ay ipinasok ni GGG269811 ang kaniyang daliri sa ari ni AAA269811 nang paulit-ulit at walang pahintulot.

Hindi naman binigyan ng bigat ng RTC ang depensa dahil mas kapani-paniwala ang malinaw at hindi pabagu-bagong testimonya ni AAA269811 kumpara sa mga pagtanggi at pasubali ni GGG269811.[22]

Ang Hatol ng CA

Sa Desisyon, na may petsang ika-29 ng Hunyo 2023, kinatigan ng CA ang naging pasya ng RTC, liban na lamang sa parusang ipinataw para sa krimeng Sexual Assault. Mababasa ang hatol ng CA sa mga susunod na talata:

DAHIL DITO, ang apela ay hindi pinahihintulutan. Ipinagtitibay ng Hukuman ang Decision ng RTC na may petsang ika-07 ng Enero, taong 2022 at ang mga iginawad na danyos (damages). Ipinagtitibay rin ang kaparusahan ng pagkakakulong para sa krimeng [R]ape na reclusion perpetua liban na lamang sa karampatang parusa para sa krimeng [S]exual [A]ssault o panghahalay kaugnay ng ikalawang talata ng Artikulo 266-A ng [Revised Penal Code].

Sa gayon, ang nasasakdal na si [GGG269811] ay pinapatawan ng pagkakakulong na 12 taon at isang araw (12 years and 1 day) na reclusion temporal minimum hanggang 14 na taon, walong buwan, at isang araw (14 years, 8 months and 1 day) na reclusion temporal medium para sa krimeng [S]exual [A]ssault at reclusion perpetua para sa krimeng statutory rape.

ITO AY IPINAG-UUTOS.[23] (Mga pagdidiin sa orihinal)

Ayon sa CA, naipakita ng prosekusyon ang bawat salik ng krimeng Sexual Assault. Malinaw na nailahad ni AAA269811 kung paano siya ginamitan ng puwersa at pananakot ni GGG269811 habang paulit-ulit nitong inilabas-pasok ang kaniyang daliri sa ari ng bata nang labag sa kalooban nito. Naibahagi rin ni AAA269811 ang naramdaman nitong sakit matapos ang panghahalay sa kanya. Inilarawan din nang maigi ni AAA269811 ang ginawang paghatak sa kaniya ni GGG269811 papasok sa silid upang siya ay hubaran at pagsamantalahan.[24]

Ukol naman sa tatlong insidente ng Statutory Rape o panggagahasa sa batang wala pang 12 taong gulang, nailarawan din nang maliwanag at tahasan ni AAA269811 ang mga pangyayari. Tiyak na tinukoy ni AAA269811 ang pagkakakilanlan ng taong lumapastangan sa kaniya nang ilang beses noong 2014 at 2015, at ito ay walang iba kundi si GGG269811 na kinakasama ng kaniyang lola.[25]

Inilahad ng CA na mahirap para sa isang batang testigo, na siya ring biktima ng mga nasabing panghahalay, na sariwain ang naturang pang-aabuso at harapin ang sari-saring katanungan ng hukom at mga abogado ukol sa masalimuot na pangyayari na kaniyang naranasan mula sa isang taong dapat na siya ay pinangangalagaan. Isang pagmamalabis na asahan na ang isang biktima ng panghahalay ay nasa hustong huwisyo habang nangyayari ang insidente. Samakatuwid, hindi naaayon sa karanasan ng pangkaraniwang tao na asahan ang napakalinaw at walang maling salaysay ng pangyayari. Kung bakit hindi humingi ng tulong si AAA269811 sa kaniyang lola, at itinago ang mga pangyayaring ito sa kaniyang mga kamag-anak, ay hindi sapat na batayan para hindi paniwalaan ang kaniyang kuwento. Hindi responsibilidad ni AAA269811 na patunayan na ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang daigin ang puwersa o pananakot sa kaniya, sa halip, ang salaysay ng isang batang biktima ng panggagahasa ay dapat na mas paniwalaan kaysa sa mga simpleng pagtanggi ng isang salarin.[26]

Hindi rin pinaniwalaan ng CA ang mga depensa ni GGG269811 na dahil diumano ay wala sa kanilang poder si AAA269811 noong mga panahong nangyari ang mga insidente ng panghahalay ay imposibleng nangyari ang mga ito. Hindi kapani-paniwala ang mga paliwanag ni GGG269811 sapagkat naipakita ng prosekusyon na ang paaralang pinapasukan ni AAA269811 ay nasa parehong barangay kung saan naninirahan sina GGG269811 at PGM269811. Inamin din naman ni PGM269811 sa husgado na ang kanilang bahay ay hindi naman kalayuan sa bahay ng kaniyang balae. Sa gayon, hindi malayo sa katotohanan na may pagkakataon si GGG269811 na gahasain si AAA269811 noong mga panahong bumibisita ito sa kanila.[27]

Ang mga paratang ni GGG269811 at ni PGM269811 na gawa-gawa lamang ni AAA269811 at ng kaniyang ama na si FFF269811 ang mga kaso laban kay GGG269811 ay hindi pinaniwalaan ng CA. Ang panggagahasa, lalo na kung ang biktima ay isang menor de edad, ay isang maselang sakdal at hindi dapat balewalain. Liban na lamang kung ang isang tao ay naudyukan ng matinding pagnanais na matamo ang katarungan, hindi karaniwang salungatin ng isang bata ang isang taong nakatatanda sa kaniya, at paratangan ito ng isang krimen na dudungis sa sarili niyang puri at magbubunga ng bahid hindi lamang sa kaniyang pangalan kundi pati na rin sa kaniyang pamilya. Kaya sa kabuuan, walang basehan ang mga pagtanggi at pasubali ni GGG269811, wala itong matibay na pundasyon at hindi sapat upang tibagin ang malinaw na pagkilala ni AAA269811 sa kanya bilang may-akda ng mga pinaratang na krimen.[28]

Ang Isyu

Nagkamali ba ang CA nang katigan nito ang hatol ng RTC na si GGG269811 ay nagkasala nang higit (o lampas) sa makatwirang pagdududa sa tatlong sakdal ng Statutory Rape at isang sakdal ng Sexual Assault?

Ang Hatol ng Hukuman

Matapos ang masusi at maingat na pagsusuri, hindi kinakatigan ng Hukuman ang apela ni GGG269811, at ipinagtitibay ang kapasiyahan laban sa kaniya, liban na lamang sa ilang pagbabago na ilalahad sa Desisyong ito.

Si GGG269811 ay nagkasala nang higit sa makatwirang pagdududa para sa tatlong sakdal ng Statutory Rape

Ayon sa Artikulo 266-A(1)(d) ng Revised Penal Code,[29] ang krimeng Statutory Rape ay may dalawang salik: (a) ang biktima ay wala pang 12 taong gulang; at (b) ang akusado ay nakipagtalik sa biktima, hindi alintana ang pagkakaroon ng puwersa, pagbabanta, at pananakot, o matinding pag-abuso sa kapangyarihan na ipinamalas laban sa biktima.[30] Kapag napatunayan ang dalawang bagay na ito, ang akusado ay mapapatunayang nagkasala sa naturang krimen.

Naniniwala ang Hukuman na napatunayan ng taga-usig ang dalawang sangkap ng krimen sa tatlong pagkakataon.

Una, walang pagdududa na noong nangyari ang tatlong insidente ng panggagahasa kay AAA269811 sa mga taong 2014 at 2015, si AAA269811 ay 9 at 10 taong gulang lamang. Hindi ito naging isyu sa paglilitis.

Pangalawa, malinaw, tiyak, at walang pasubali ang naging testimonya ni AAA269811 na sa tatlong pagkakataon ay ginahasa siya ni GGG269811. Sa unang insidente noong 2014, inilahad ni AAA269811 na may isang tanghali kung saan natutulog siya sa isang silid sa bahay ng kaniyang lola na si PGM269811. Dito ay ginising siya ni GGG269811, hinubaran, at pinilit na makipagtalik:

Q

Can you recall the time when the [first rape] incident transpired[?] Was it happened (sic) in the morning o[r] in the afternoon or in the evening?

A

In the afternoon, ma'am.

Q

What were you doing during that time?

A

I was sleeping, ma'am.

Q

While you were sleeping, what happened?

WITNESS

A

"Ginising po niya ako[,]" ma'am.

PROS. CAASI

Q

Niya, when you mentioned "niya[,]" who are you referring to?

A

[GGG269811], ma'am.

Q

And what happened next when you [were] awakened by the accused?

A

He removed my clothes, ma'am.

Q

What did you do when the accused start[ed] removing your shorts?

A

I tried stopping him, ma'am.

Q

How did you try to stop the accused?

A

I am (sic) removing his hands, ma'am.

Q

What happened next?

A

He inserted his penis into my vagina, ma'am.

Q

You mean to say that he removed your shorts during that time?

A

Yes, ma'am.

Q

How about your panty?

A

Yes, ma'am.

Q

How about your upper clothing?

A

No, ma'am.

Q

How about the accused, did he also remove his clothes at that time?

A

Yes, ma'am.

Q

After he removed his own clothes, what happened next?

A

"Pinasok na po niya ako[,]" ma'am.

Q

What was your position when the accused inserted his penis into your vagina?

A

I was also lying, ma'am.

Q

Also on the bed?

A

Yes, ma'am.

PROS. CAASI

Q

For how long a time did his penis remain inside your vagina?

WITNESS

A

"Matagal tagal po[,]" ma'am.

Q

About five [] minutes, [10] minutes?

A

For [10] minutes, m[a]'am.

Q

Then what happened?

A

He left, m[a]'am.

Q

What did you feel when the accused inserted his penis into your vagina?

A

It's (sic) hurt, ma'am.

Q

What did you do while he was on top of you?

A

"Nagpupumiglas po[,]" ma'am.

Q

Aside from inserting his penis into your vagina, what else did he do?

A

He touched my breast, ma'am.

Q

Aside from touching your breast[,] what else did he do, if there [was] any?

A

No more, ma'am.

Q

Aft[er] satisfying his [lust], what did the accused do or say to you, if there [was] any?

A

"Wag po daw akong magsusumbong[,]" ma'am.

Q

What did you feel during that time?

A

"Nasasaktan po ako[,]" ma'am.

Q

Why did you not tell this [first rape] incident to any of your relatives?

A

I was afraid, ma'am.[31]

Para naman sa pangalawang insidente ng panggagahasa, malinaw ding inihayag ni AAA269811 ang kaniyang pinagdaanan sa kamay ni GGG269811. Nangyari ito noong 10 taong gulang si AAA269811. Isang araw, nasa likod ng bahay ang lola ni AAA26981 habang ang huli ay nasa sala at nanonood ng telebisyon nang pumasok sa bahay si GGG269811. Nang makitang may ginagawa si PGM269811, hinalikan ni GGG269811 si AAA269811 at inihiga ito sa sofa. Narito ang testimonya ni AAA269811:

Q

Will you please tell us how the accused inserted his penis according to you "paulit ulit po"?

WITNESS

A

He removed my clothes, he also removed his clothes, ma'am.

PROS. CAASI

Q

After he removed your clothes and after removing his clothes, what else did he do?

A

He inserted his penis into my vagina, ma'am.

Q

What was your position during that time?

A

I was also lying, ma'am.

Q

You were lying on what?

A

Sofa, ma'am.

Q

And that incident transpired in the sala at the house of your lola?

A

Yes, ma'am.

Q

What did you do when the accused start[ed] to insert his penis into your vagina?

A

"Tinatanggal ko po[,]" ma'am.

Q

Paano mo tinatanggal?

A

I [was] pushing him, ma'am.

Q

Were you able to push him away?

A

No, ma'am.

Q

What happened next?

A

"Pinaulit ulit na[ ]po niya[,]" ma'am.

Q

Paano iyong sinasabi mong [p]inaulit[-]ulit niya? Pinapasok inilalabas, ayon ba ang ibig mong sabihin?

A

Opo.

Q

Gaano katagal na pinapasok at inilalabas niya?

A

For five [] minutes, ma'am.

Q

After five [] minutes, what did he do?

A

He told me something, ma'am.

Q

What did the accused tell you?

A

"Huwag daw po akong magsusumbong[,]" ma'am.[32]

Ukol sa ikatlong insidente ng panggagahasa, inilahad ni AAA269811 na nangyari ito sa palikuran ng bahay ng kaniyang lola. Aniya, matapos siyang dumating mula sa paaralan, pumunta siya sa banyo. Pagkalabas niya, nasa labas na ng pinto si GGG269811 at hinihintay na siya. Matapos nito ay naganap na ang panghahalay. Narito ang testimonya in AAA269811:

PROS. CAASI

Q

After he approached you, what happened next?

WITNESS

A

He [held] me, ma'am.

Q

What part of your body [was] held by the accused?

A

Sa pepe po, ma'am.

Q

Pagkatapos kang hawakan sa pepe, ano ang sumunod na na[n]gyari?

A

He removed my clothes, ma'am.

Q

All your clothes?

A

My shorts, ma'am.

Q

How about your panty?

A

Yes, ma'am. He removed.

Q

How about your upper clothing?

A

No, ma'am.

Q

After he removed your shorts and panty, what did the accused do if any?

A

He inserted his penis to my vagina, ma'am.

Q

How long a time did he insert[] his penis into your vagina?

A

For five [] minutes, ma'am.

Q

What did you do while his penis was inserted [...] to your vagina?

A

I was trying to stop what he was doing, ma'am.

Q

How did you stop him?

A

I pushed him away from me, ma'am.

Q

Did he stop you when you pushed him away?

A

Yes, ma'am.[33]

Ang pangunahing isinasaalang-alang sa kaso ng panggagahasa ay ang testimonya ng biktima. Ang isang akusado ay maaaring makulong o mapawalang-sala batay sa nag-iisang testimonya ng biktima, kahit na ito'y walang pagtitibay ng iba. Dahil dito, mahalaga ang kredibilidad ng saksi, at ang tungkulin upang malaman ang kaniyang katapatan ay nakaatang sa mababang hukuman na lumitis sa kaso. Kaya tuntunin ng Hukumang ito na bigyan ng malaking timbang at paggalang, at minsan ay bilang ganap na pasya, ang pagsusuring ginawa ng mababang hukuman ukol sa kredibilidad ng testigo sa mga kaso ng panggagahasa, lalo pa at kung ang nasabing pagsusuri ay kinatigan ng mas mataas na hukuman at walang anumang indikasyon na may mga bagay o pangyayari na nakaligtaan o hindi nabigyang-pansin.[34] Walang nakikitang dahilan ang Hukumang ito para hindi ipatupad ang nasabing tuntunin sa kasong ito.

Sa pananaw ng Hukuman, ang naging salaysay ni AAA269811 sa mga nangyari sa kanya sa kamay ni GGG269811 ay makatotohanan. Matagal nang ipinahayag ng Hukuman na ang testimonya ng mga biktima ng panggagahasa na nasa murang edad ay karapat-dapat na paniwalaan. Walang batang babae ang gagawa ng isang karumal-dumal na kuwento tulad ng panggagahasa, sasailalim sa pagsusuring medikal sa kaniyang maselang bahagi, at maging tampulan ng kahihiyan sa isang pampublikong paglilitis, kung ang kaniyang motibo ay iba sa marubdob na pagnanais na makakamit ng katarungan. Sapat na para sa Hukuman ang testimonya ng biktima na nagpapakita na siya ay ginahasa upang siya ay katigan sa halip na ang akusado, basta maipamalas na ang kaniyang pagtestigo ay mapagkakatiwalaan.[35]

Naipakita ng testimonya ni AAA269811 nang walang pasubali at pag-aalinlangan na tatlong beses siyang ginahasa ni GGG269811 sa magkakaibang pagkakataon. Nailarawan niya nang mahusay at may detalye ang ginawa sa kaniya ni GGG269811, kung ano ang naging reaksyon niya matapos ito, at kung bakit hindi niya ipinagsabi sa iba o isinumbong ang ginawa sa kaniya.

Kinikilala ng Hukuman na maaaring iba-iba ang reaksyon ng isang biktima matapos maranasan ang kalunos-lunos na nangyari sa kaniya. Walang iisa o karaniwang asal o pag-uugali ang maaring ipamalas ng isang biktima ng panghahalay.[36] Ang hindi pagsigaw ng biktima para humingi ng saklolo ay hindi nagpapatunay na walang nangyaring panggagahasa. Kalabisan na nga para humingi ng makatwirang reaksyon sa isang hindi makatwirang pangyayari mula sa isang batang biktima ng panghahalay.[37] Katulad na lang din ng pagtatago ng biktima sa ginawa sa kanya, at sa huli niyang pag-amin matapos ang dalawang taon, ito ay hindi dapat gamitin laban kay AAA269811. Bagkus, dapat pakatandaan na sa kaniyang murang edad, hindi kakaiba ang naranasang takot ni AAA269811 kung sakaling siya ay magsumbong, lalo na at ang nanghalay sa kaniya ay ang kinakasama ng kaniyang lola na itinuturing niyang kamag-anak nila.

Ayon sa testimonya ni GGG269811, na sinuportahan ni PGM269811, hindi maaaring mangyari ang mga paratang sa kaniya sapagkat wala naman sa kanilang poder si AAA269811 nang maganap ang mga ito. Ayon kay GGG269811 si AAA269811 ay nakatira sa bahay ng kinakasama ng kaniyang nanay sa X Quezon, kaya't hindi umano maaaring mangyari ang mga insidente.

Ang depensa ni GGG269811 ay dalawa: pagtanggi (denial) at katwiran (alibi). Nasabi na ng Hukumang ito makailang ulit sa ibang kaso na ang pagtanggi ay isang likas na mahinang depensa, at kung ito ay bibigyang halaga ay dapat itong suportahan ng malakas at kapani-paniwalang ebidensiya.[38] Para naman paniwalaan ang alibi o katwiran, dapat mapatunayan ng depensa na: (a) wala ang akusado sa lugar kung saan nangyari ang krimen; at (b) imposible para sa akusado na makarating sa lugar ng pinangyarihan ng krimen sa oras na iyon.[39]

Hindi kapani-paniwala ang mga argumento ni GGG269811. Daig ng testimonya ni AAA269811, kung saan kinilala niya na ang taong humalay sa kaniya ay walang iba kundi si GGG269811, ang simpleng pagtanggi ng huli. Ang malinaw, tapat at tiyak na testimonya ng isang biktima ng panggagahasa, lalo na kung siya ay menor de edad, ay marapat manaig laban sa simpleng pagtanggi at pagpapalusot ng akusado.[40] Hindi rin naipamalas ng depensa na imposibleng mangyari ang mga krimen na nabanggit. Ayon sa wastong kapasiyahan ng CA, naipakita ng prosekusyon na hindi imposible na mangyari ang mga krimen sapagkat ang paaralang pinapasukan ni AAA269811 ay nasa iisang barangay lamang kung saan nakatira sina GGG269811 at PGM269811, at madalas na dumadalaw ang bata sa kaniyang lola. Sa gayon, hindi malayo sa katotohanang magkaroon ng pagkakataon ang nasasakdal na gahasain si AAA269811 noong mga panahong bumibisita ito sa kanila.

Kung susumahin, naipakita ng prosekusyon ang lahat ng salik ng krimeng Statutory Rape. Walang dahilan ang Hukumang ito para baligtarin ang naging hatol ng RTC, na marapat na sinang-ayunan ng CA.

Si GGG269811 ay nagkasala nang higit sa makatwirang pagdududa para sa isang sakdal ng Sexual Assault

Ang mga salik ng krimen ng Sexual Assault na pinarurusahan sa ilalim ng Artikulo 266-A(2) ng Revised Penal Code ay sumusunod: (a) ang biktima, lalaki man o babae, ay wala pang 12 taong gulang; at (b) ipinasok ng nasasakdal ang anumang instrumento o bagay sa loob ng ari o puwetan ng biktima.[41]

Ang mga elementong ito ay napatunayan ng prosekusyon.

Una, hindi maikakaila na si AAA269811 ay 9 na taong gulang noong nangyari ang krimen.

Pangalawa, malinaw ang paglalahad ni AAA269811 na isang araw noong siya ay nasa bahay ng kaniyang lola ay pinagsamantalahan siya ni GGG269811 sa pamamagitan ng pagpasok ng daliri ni GGG269811 sa ari ni AAA269811. Narito ang naging testimonya ni AAA269811:

PROS. CAASI

Q

Can you tell us the year when this incident transpired?

WI[TN]ESS

A

In the month of May, ma'am.

Q

May of what year?

A

2015, ma'am.

Q

Are you sure? How old [were] you when this incident transpired?

A

I was nine [] years old, ma'am.

Q

Wh[en] is your birthday?

A

X, ma'am.

Q

So when this incident transpired when you were nine [] years old, so this incident happened in the year 2014?

A

Yes, ma'am.

Q

Where were you when the accused touched your vagina and inserted his finger in your vagina?

A

I was in the store, ma'am.

Q

And who owns the store?

A

My grandmother, ma'am.

Q

Are you referring to your paternal grandmother, the common-law wife of the accused?

A

Yes, ma'am.

. . . .

Q

Why were you in the store of your [grandmother] during that time?

A

Someone [was] buying in the store, ma'am.

Q

[Were] you living with your [grandmother] that time?

A

Yes, ma'am.

Q

For how long a time [have] you been living with your [grandmother] prior to the incident that you mentioned in paragraph 9 of your sworn statement?

A

Since I was five (5) years old, ma'am.

Q

How about the accused?

A

I do not know, ma'am.

. . . .

PROS. CAASI

Q

So[,] when the accused [approached] you[, he] inserted his finger in your vagina, what did you do?

A

It hurt me, ma'am.

Q

What did you do?

. . . .

WITNESS

A

I tried to stop him, ma'am.

PROS. CAASI

Q

How did you try to stop the accused?

A

I [was] kicking him, ma'am.

Q

Did he stop, when you kicked him?

A

Yes, ma'am.

Q

What did you do after?

A

I went outside, ma'am.

Q

Did you tell that matter to anyone?

A

No, ma'am.

Q

Why [did you] not tell this incident to any of your relatives?

A

Because I was afraid, ma'am.

Q

Why [were you] afraid?

A

He told me that "magkakagulo kami pag sinabi ko[,]" ma'am.

Q

What were you wearing during that time when the accused touched your vagina and after [he] inserted his finger into your vagina?

A

I [was] wearing shorts, ma'am.

Q

How did the accused touch your vagina, did he insert his hand inside your shorts or he removed your shorts?

A

He inserted his hand, ma'am.

PROS. CAASI

Q

What was your position when the accused inserted his hand into your shorts?

WITNESS

A

I was lying, ma'am.

[Q]

Where were you lying?

A

In the bed, ma'am.

Q

So[,] after he inserted [his hand] into your shorts, he inserted his finger into your vagina?

A

Yes, ma'am.

Q

How many fingers did he insert?

A

Only one, ma'am.

Q

Are you sure that he was able to insert his finger into your vagina?

A

Yes, ma'am.

Q

How sure are you?

A

"Nasaktan po ako[,]" ma'am.[42]

Sa kaso ng People v. ZZZ,[43] itinuring ng Hukumang ito na Sexual Assault ang pagpasok ng daliri sa ari ng biktima sapagkat ang daliri ay maituturing na "bagay" sa ilalim ng Artikulo 266-A(2) ng Revised Penal Code.

Malinaw na naipakita ng taga-usig, mula sa tahasang testimonya ni AAA269811, na ginawa ni GGG269811 ang krimeng Sexual Assault sa pamamagitan ng pagpasok ng kaniyang daliri sa ari ng bata. Walang dahilan ang Hukumang ito para huwag panigan ang maliwanag at walang pasubaling paglalahad ni AAA269811 ng nangyari sa kaniya. Muli, ang kaniyang naging paglalahad ay tapat at kapani-paniwala.

Ayon sa People v. Tulagan,[44] kapag ang krimen ng Sexual Assault ay ginawa sa batang wala pang 12 taong gulang, ang tamang pagtukoy sa krimen ay hindi lamang Sexual Assault, kundi Sexual Assault under paragraph 2, Article 266-A of the Revised Penal Code, in relation to Section 5(b) of Republic Act No. 7610.

Subalit, ayon sa Gramatica v. People,[45] nilinaw ng Hukuman na sa mga kaso ng paglabag sa Seksyon 5(b) ng Batas Republika Blg. 7610, dapat munang alamin kung ang biktima ay isang batang kinasangkapan sa prostitusyon o isinailalim sa iba pang sekswal na pang-aabuso (exploited in prostitution or subjected to other sexual abuse). Papasok lamang ang aplikasyon ng Batas Republika Blg. 7610 kung ang biktima ay napatunayang nagbigay ng pahintulot, bagama't depektibo, na siya ay halayin kapalit ng pera, kita, o ano pa mang konsiderasyon, o siya ay napilitan o naimpluwensiyahan ng kahit sinong nakatatanda sa kaniya, kabilang man o hindi sa isang sindikato o grupo. Ayon sa Gramatica, hindi sakop ng Batas Republika Blg. 7610 ang mga sitwasyon kung kailan ang biktima ay ganap na walang malay, napilitan lamang, o hindi nagbigay ng kahit anong pahintulot.

Sa kasong ito, hindi napatunayan ng prosekusyon na si AAA269811 ay pumayag na siya ay pagsamantalahan kapalit ng kahit anong konsiderasyon. Sa halip, naipakita na siya ay sapilitang hinalay ni GGG269811 na labag sa kaniyang kalooban. Samakatuwid, ang paggamit ng Batas Republika Blg. 7610 ay hindi angkop sa kasong ito. Si GGG269811 ay dapat hatulan na nagkasala sa kasong Sexual Assault sa ilalim ng Artikulo 266-B ng Revised Penal Code.

Ang pagpataw ng karampatang parusa

Ayon sa People v. Alvarez,[46] hindi maaring maging Qualified Rape ang krimen kung ang nanggahasa sa biktima ay ang kinakasama (common law spouse) ng kaniyang lolo o lola sapagkat itinakda ng batas na ang krimen ay Qualified Rape lamang kapag ang nanggahasa ay ang kinakasama (common law spouse) ng ama o ina ng biktima. Samakatuwid, mas wasto na hatulan ng krimeng Statutory Rape si GGG269811. Ayon naman sa Artikulo 266-B ng Revised Penal Code, ang kaparusahan sa krimeng Statutory Rape ay reclusion perpetua.

Para naman sa krimeng Sexual Assault sa ilalim ng Artikulo 266-A(2) ng Revised Penal Code, ang kaparusahan ay prision mayor. Gamit ang Indeterminate Sentence Law,[47] ang parusang maaaring ipataw ay bababa ng isang antas sa prision correccional. Samakatuwid, ang parusa ay saklaw ng pagitan ng apat na taon at dalawang buwan ng prision correccional, bilang pinakamaiksing panahon, hanggang sampung taon ng prision mayor, bilang pinakamahabang panahon, ng pagkakakulong.[48] Nararapat na baguhin ang naging kapasiyahan ng RTC, na sinang-ayunan ng CA, ukol sa parusang ipinataw kay GGG269811 sa krimeng ito.

Ayon sa People v. Jugueta,[49] ang biktima ng panggagahasa kung saan ang parusa ay reclusion perpetua ay dapat makatatanggap ng PHP 75,000.00 bilang kabayarang sibil (civil indemnity), PHP 75,000.00 para sa danyos moral (moral damages), at PHP 75,000.00 para sa danyos para hindi tularan (exemplary damages). Para naman sa Sexual Assault sa ilalim ng Artikulo 266-A(2) ng Revised Penal Code, ang biktima ay dapat makatatanggap ng PHP 50,000.00 para sa kabayarang sibil (civil indemnity), PHP 50,000.00 para sa danyos moral (moral damages), at PHP 50,000.00 para sa danyos para hindi tularan (exemplary damages), ayon sa Tulagan. Ngunit sinabi rin sa Jugueta na ang mga kabayarang ito ay maaaring baguhin at itaas ng Hukuman kung ito ay kinakailangan ayon sa sitwasyon.

Sa People v. Buclao,[50] itinaas ng Hukuman ang mga kabayarang ipinataw sa akusado dahil sa tindi ng paglalapastangang ginawa sa biktima na pinagsamantalahan ng kaniyang ama nang makailang ulit.

Dito, marapat na itaas ang mga kabayarang dapat ipataw sa nasasakdal sa mga kaso ng Statutory Rape. Ang katayuan ni GGG269811 bilang kinakasama ng lola ni AAA269811 ang nagpapalala sa mga krimeng ito. Nagpapakita ito ng lantarang pagtataksil sa tungkulin niyang alagaan si AAA269811 na para na niyang apo. Sa kabila ng isinasaad sa Artikulo 266-B ng Revised Penal Code na tataas ang parusang kriminal sa Statutory Rape kung ito ay gagawin ng kinakasama (common law spouse) ng magulang ng biktima sapagkat ito ay isang pangyayaring magpapabago sa uri ng krimen (qualifying circumstance), hindi nito pinipigilan ang Hukuman na itaas ang kabayarang sibil at mga danyos sapagkat layunin nito na maibsan ang pinagdaanan ng biktima lalo na at ang gumawa ng krimen ay ang kinakasama ng lola ng biktima.

Dagdag pa rito, hindi lamang isa kung hindi tatlong beses na ginahasa ni GGG269811 ang biktima. Halimbawa, itinaas ng Hukuman ang mga danyos na kailangang bayaran ng nasasakdal sa People v. HHH,[51] na hinatulang nagkasala ng Statutory Rape. Sa kasong iyon, iniutos ng Hukuman na dapat bayaran ang biktima ng PHP 100,000.00 bilang kabayarang sibil, PHP 100,000.00 bilang danyos moral, at PHP 100,000.00 danyos para hindi tularan. Walang nakikitang dahilan ang Hukumang ito upang hindi gayahin ang naturang pagtaas ng kabayarang sibil at mga danyos sa kasong ito.

Bukod pa rito, ang mga kabayarang ito ay marapat patawan ng interes na 6% kada taon, mula nang maging pinal ang Desisyong ito hanggang mabayaran nang buo, alinsunod sa kasalukuyang alituntunin.[52]

ALINSUNOD DITO, ang apela ay TINATANGGIHAN. Ang Desisyon na may petsang ika-29 ng Hunyo 2023, ng Hukuman ng Pag-aapela sa kasong CA-G.R. CR-HC Blg. 16711 ay IPINAGTITIBAY NANG MAY MGA PAGBABAGO. Si GGG269811 ay hinahatulang NAGKASALA nang higit (o lampas) sa makatwirang pagdududa sa mga krimeng isinampa laban sa kanya at pinarurusahan ayon sa mga sumusunod:

1.

Sa Kasong Kriminal Blg. SC-21639, SC-21640, at SC-21641 o tatlong sakdal ng Statutory Rape, siya ay hinahatulan ng pagkakabilanggo ng reclusion perpetua sa bawat sakdal.

Ipinag-uutos din sa kaniya ang pagbabayad ng PHP 100,000.00 bilang kabayarang sibil, PHP 100,000.00 bilang danyos moral, at PHP 100,000.00 bilang danyos para hindi tularan (exemplary damages) sa bawat sakdal pabor sa biktimang si AAA269811; at

2.

Sa Kasong Kriminal Blg. SC-21642 o isang sakdal ng Sexual Assault na pinarurusahan sa ilalim ng Artikulo 266-A(2) ng Revised Penal Code, siya ay hinahatulan ng pagkakabilanggo ng apat na taon at dalawang buwan ng prision correccional, bilang pinakamaikling panahon, hanggang sampung taon ng prision mayor, bilang pinakamahabang panahon.

Ipinag-uutos rin sa kaniya ang pagbabayad ng PHP 50,000.00 bilang kabayarang sibil, PHP 50,000.00 bilang danyos moral, at PHP 50,000.00 bilang danyos para hindi tularan (exemplary damages) pabor sa biktimang si AAA269811.

Ang lahat ng ipinataw na kabayarang sibil at danyos ay pinapatawan ng 6% na interes kada taon, mula nang maging pinal ang Desisyong ito, hanggang sa mabayaran nang buo.

Ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (Department of Social Welfare and Development) ay INAATASAN na isangguni ang biktima sa nararapat na Rape Crisis Center, sa pamamagitan ng X, Panrehiyong Hukuman ng Paglilitis, X Laguna, upang mabigyan ng karampatang tulong, kasama na rin ang kaniyang pamilya, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8505, ang Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998.

ITO AY IPINAG-UUTOS.

Caguioa (Tagapangulo), Inting, Gaerlan, at Dimaampao, MM., sumasang-ayon.

* Alinsunod sa Amended Administrative Circular No. 83-2015, na itinatakda ng Batas Republika Blg. 8505, ang pangalan ng mga biktima o pribadong nagrereklamo, kasama ang lahat ng iba pang personal na detalye na maaaring magsiwalat ng kanilang pagkakakilanlan, ay ginagawang kompidensyal upang protektahan ang kanilang pribasya at dignidad alinsunod sa Batas Republika Blg. 7610 (1992), An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination, And For Other Purposes; Batas Republika Blg. 9262 (2004), An Act Defining Violence Against Women And Their Children, Providing For Protective Measures For Victims, Prescribing Penalties Therefore, And For Other Purposes; at SC Administrative Matter No. 04-10-11-SC (2004), sec. 40, Rule on Violence against Women and Their Children. (Tignan ang People v. Cadano, Jr., 729 Phil. 576, 578 (2014) [Ayon kay M. Perlas-Bernabe, Ikalawang Dibisyon), na binabanggit ang People v. Lomaque, 710 Phil. 338, 342 (2013) [Ayon kay M. Del Castillo, Ikalawang Dibisyon). [1] Rollo, pp. 8-26. Isinulat ni Kasangguning Mahistrado Apolinario D. Bruselas, Jr. at sinang-ayunan nina Kasangguning Mahistrado Geraldine C. Fiel-Macaraig at Jennifer Joy C. Ong ng Ikalimang Dibisyon, Hukuman ng Apelasyon, Maynila. Isinulat ang Desisyong ito sa wikang Filipino.

[2] Id. sa 29-47. Isinulat ni Hukom Mary Jean T. Cajandab.

[3] Batas Republika Blg. 11648 (2022). An Act Providing for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse, Increasing the Age for Determining the Commission of Statutory Rape, Amending for the Purpose Act No. 3815 as Amended, Otherwise Known As "The Revised Penal Code," Republic Act No. 8353, Also Known as "The Anti-Rape Law of 1997,"And Republic Act No. 7610, as Amended, Otherwise Known As the "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

[4] Batas Republika Blg. 7610 (1992). Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

[5] Rollo, p. 29.

[6] Id. sa 29-30.

[7] Id. sa 30.

[8] Id.

[9] Id.

[10] Id. sa 11.

[11] Id. sa 33.

[12] Id. sa 45.

[13] Id. sa 11.

[14] Id.

[15] Id. sa 12.

[16] Id.

[17] Id. sa 12-13.

[18] Id. sa 13.

[19] Id. sa 13.

[20] Id. sa 13-14.

[21] Id. sa 47.

[22] Id. sa 41-47.

[23] Id. sa 25.

[24] Id. sa 18.

[25] Id. sa 20-21.

[26] Id. sa 21-22.

[27] Id. sa 22-23.

[28] Id. sa 23-24.

[29] REVISED PENAL CODE, art. 266-A(1)(d) ay nagsasaad:

Rape is committed:

1) By a man who shall have carnal knowledge of a woman under any of the following circumstances: . . . . d) When the offended party is under [12] years of age or is demented, even though none of the circumstances mentioned above be present.

[30] People v. Conti, 936 Phil. 1085, 1091 (2023) [Ayon kay M. Singh, Ikatlong Dibisyon].

[31] CA rollo, pp. 114-116.

[32] Id. sa 116-117.

[33] Id. sa 118-119.

[34] People v. Sps. XXX262581 and YYY262581, 946 Phil. 131, 140-141 (2023) [Ayon kay M. M. Lopez, Ikalawang Dibisyon].

[35] People v. XXX, 867 Phil. 898, 907 (2019) [Ayon kay M. J. Reyes, Jr., Unang Dibisyon].

[36] People v. XXX, 889 Phil. 265, 276-277 (2020) [Ayon kay M. Hernando, Ikatlong Dibisyon].

[37] People v. BBB254878, 959 Phil. 589, 601 (2024) [Ayon kay M. Inting, En Banc].

[38] People v. Regalado, 793 Phil. 493, 502 (2016) [Ayon kay M. Perez, Ikatlong Dibisyon].

[39] People v. Amper, 904 Phil. 610, 624 (2021) [Ayon kay M. J. Lopez, Ikatlong Dibisyon].

[40] People v. BBB, 886 Phil. 298, 301 (2020) [Ayon kay M. Leonen, Ikatlong Dibisyon].

[41] People v. Conti, 936 Phil. 1085, 1092-1093 (2023) [Ayon kay M. Singh, Ikatlong Dibisyon].

[42] CA rollo, pp. 111-114.

[43] 955 Phil. 733, 756 (2024) [Ayon kay M. Singh, Ikatlong Dibisyon].

[44] 849 Phil. 197 (2019) [Ayon kay M. Peralta, En Banc].

[45] G.R. Nos. 260233 & 266039 (Ipahahayag pa lamang) [Ayon kay M. Inting, En Banc]. Ang pagsipi na ito ay tumutukoy sa kopya ng Desisyon na inilathala sa website ng Korte Suprema.

[46] 461 Phil. 188 (2003) [Ayon kay M. Corona, En Banc].

[47] Act No. 4103 (1933).

[48] People v. Disipulo, 929 Phil. 398, 422-423 (2022) [Ayon kay M. Lopez, J., Ikalawang Dibisyon].

[49] 783 Phil. 806, 848 (2016) [Ayon kay M. Peralta, En Banc].

[50] 736 Phil. 325 (2014) [Ayon kay M. Leonen, Ikatlong Dibisyon].

[51] 879 Phil. 773 (2020) [Ayon kay M. Carandang, Ikatlong Dibisyon].

[52] Lara's Gifts & Decors, Inc. v. Midtown Industrial Sales, Inc., 929 Phil. 754, 781-782 (2022) [Ayon kay M. Leonen, En Banc].

Want an analysis of this document?

Ask ASG Legal AI to summarize it, compare it with other rulings, or explain how it applies to your situation — it researches from this same library.